Paano malaman kung ano ang inyong skin type - Topic #1
Kung gusto mong ma-achieve ang pinapangarap mong clear skin o glass skin, Importante na malaman mo kung ano ang inyong skin type. Ito rin ay makakatulong upang makapili ka ng mga produktong naangkop o naayon sa pangangailangan ng inyong balat. Ang pagpili din ng tamang skin care routine ay mahalaga upang maiwasan ang breakouts at nakakatulong upang mawala ang ating mga tigyawat o mga hyper pigmentation.